profile

Dani, Cathy, Kaye


archives

February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
February 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009



affiliates

affiliate
affiliate
affiliate
affiliate
affiliate



credits

you can remove this if you don't have a conscience. i assure you i will not hunt you down.
skin by: Jane
Saturday, June 06, 2009 @ 4:30 AM

I just dont get people. They focus more on this one particular mistake someone did. JUST ONE. And then its over. He/She will never forgive you. Seriously. They don't think about the good sides of that person. The good things that the person did for them especially during their hard times. They focus more on that one mistake. They never gave that person another chance.

Nakakasayang lang kasi di ba? Ganun ganun lang?



Sunday, May 31, 2009 @ 11:37 AM
Goodbye Sweet Summer

Nabubulok na tong blog kooooo! haha so post ulet.

Hahaha, so much drama yung mga past posts ko sa blog, parang ang emo ng summer. Pero kung tutuusin, sobrang hindi. Generally happy ang summer na to! Syempre mejo confusing because of the uncertainty about the future: AKA, job hunting. Nakakalungkot minsan, kasi parang yung iba meron ng trabaho ako wala pa. Pero other than that, sobraaaaaaang okay ng summer.

1. BORA - well bukod siguro sa Grad, eto yung highlight ng taon ko. First time ko mag airplane(yes loser, i knoooow) at makapunta sa bora tapos kasama ko pa yung blockmates and friends ko. SOBRANG SAYA. Hindi mapuput into words yung saya ng pagpunta sa isla na yun. At dun ko din sobrang napatunayan ulit na hindi ako iiwan na lang at ipapahamak ng mga girlfriends ko. SALAMAT. What happens in bora stays in bora sabi nga. HAHAHA

2. Vigan/Launion/Baguio - One word:ROADTRIIIIIIP. Sobrang saya din nito kasi kasama ko yung family ko. Eh hello RIOT YUN at sobrang lakas mang trip. May travel video pa kami kung saan naghunting kami ng koreaaaaaan invaders sa pilipinas - SOBRANG DAMI NILAAAA KALULA. Nabangga kami pero sobrang steady naman kasi walang nasaktan.

3. BONDINGS - Isaw session with sats, isaw and movie bonding with rachel, Jobapalooza bonding with chinee ella and nics, cousins bonding, gaze bonding sa circle, spur of the moment bondings with nicole and her hs friends, inuman with claire, cel, nics,jon at pao

4. BONDING WITH ANNALICE AFTER 2 years. Gradeschool friend na sobrang tagal na hindi nagkita. as in debut ko pa. grabe sobrang puro tawanan lang at mahabahabang kwentuhan ng buhay at pagungkat kay andrew, rey at kung sino sino pang mga olb people. Dati big deal pa sa iba kung sino sa aming apat(ako, anna, rey, andrew) ang mag totop sa class, pero samin ni anna kebs laaaang di masyado seryoso (oo, matalino ako nung gradeschool, ngayon ewan). haaaaaay haha

5. Pei and Elvin's bday + overnight at nicole's - angels and demons + cantina + bacardi 151 = LOVE. Sobrang namiss ko sila, and sana maging regular ang monthly inuman/kitakita. PLEAAAAASE. Nakakatuwa ang globe vs smart na debate ni avie at jas. Nakakatawa kasi sila yung super close tapos magkalaban pa yung companies nila. Mga revelations ni nicole at mga moments ni avie. Basta basta. sobrang sayaaaaaaa. MISS KO NA SILA.

6. GIRLFRIENDS - mga spur of the moment bondings namin ni nicole, ang sawi ym conference namin nina cel at claire na walang humpay na pagchika tungkol sa any of the ff: lovelife, BOF, SNN, JUDAY RYAN at CHISMIS. Mga scandals hunting namin ni monique at mga chismis pa na kanyang nasasagap sa GG RADAR. Texts every now and then ni wanajo, phone call ni jam, text ni rachel = HAPPPPPPPPY

7. AERO - oo nageexercise ako kasama mga amiga ng nanay ko.. and masaya sya, masaya rin ang chismisan after. HAHAHA

8. BOF - bili ng dvd dahil ang cute ni jun pyooooooo at ni kim bum(?) basta. haaaaaaay f4 all over again. kahit alam mo na story sobrang okay laaaaang

9. GG + GREEK+90210 +NIP/TUCK = LOOOOOVE tv serieeeeeees overload

10. FACEBOOOOOOK. self explanatory

Sana summer na lang palagi.



Monday, May 18, 2009 @ 1:04 AM

dear lord,


help me get through this mess. I hate it. soooo muuuuucccccch. I dont know what to do anymore.



love,
cathy

pretending to be fine but im not.



Monday, April 27, 2009 @ 11:05 AM
Mangyari Lamang

Wala lang, binasa samin to ni bobbyguev dati eh.. Nakakatuwa at nakakapukaw ng puso ang tulang ito.

Mangyari Lamang
by Rico Abelardo
Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmamahal
nang makita ng lahat ang mukha ng pag-ibig
Ipamalas ang tamis ng malalim na pagkakaunawaan
sa mga malabo ang paningin

Mangyari lamang ay tumayo rin ang mga nagmahal at nasawi
Nang makita ng lahat ang mga sugat ng isang bayani
Ipadama ang pait ng kabiguan habang ipinagbubunyi
ang walang katulad na kagitingan ng isang nagtaya

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nangangambang magmahal
nang makita ng lahat ang kilos ng isang bata
Ipamalas ang katapatan ng damdamin
na pilit ikukubli ng pusong lumaki sa mga engkanto at diwata

Mangyari lamang ay tumayo ang mga nagmahal, minahal at iniwan
ngunit handa pa ring magmahal nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
Ipamalas ang katotohanang nasaksihan
nang maging makahulugan ang mga paghagulgol sa dilim

At sa mga nanatiling nakaupo
mangyari lamang ay dahan-dahang umalis papalabas sa nakangangang pinto
Umuwi na kayo at sumbatan ang mga magulang na nagpalaki ng isang halimaw
At sa lahat ng naiwang nakatayo
mangyari lamang ay hagkan ang isa't isa at yakapin ang mga sugatan
Mabuhay tayong lahat na nagsisikap na makabalik sa ating pinagmulan
Manatiling masaya at higit sa lahat magpatuloy sa pagmamahal



Sunday, March 29, 2009 @ 1:08 PM
Isang gabi ng fairytale

Naranasan mo na ba yung feeling na parang nasa isang fairytale ka? Yung tipong ikaw si Cinderella at may isang fairygodmother ka na mag gragrant ng wish mong maging masaya kasama yung prince charming mo?

Tapos tinupad nya yung wish mo. Isang gabing kasama ni Cinderella si Prince Charming. Silang dalawa lang. Hindi mo maexplain kung gaano sya kasaya nung gabing yun. Yung pakiramdam na kahit isang gabi lang, sya yung prinsesa nya. Kulang na lang background music, fairytale na talaga. Minsan natatakot sya na ngang magkatitigan sila ng Prince Charming eh, baka kasi makita sa mata ni Cinderella na sobrang saya nito kapag kasama sya, na gusto talaga ni Cinderella si Prince CHarming. Isang gabing puro tawanan lang, ngiti, asaran. Isang gabi na wala kang pakialam sa kung ano sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga lang kasama ni Cinderella yung pinapangarap nyang prinsipe. Masayang masaya sya at siguro naman kahit papaano napasaya nya rin yung prinsipe nya. Sa sobrang saya nya, gusto mo nya ihinto yung oras para di na matapos yung gabi. Hinihiling na sana may remote control syang hawak at pwedeng ipause yung gabing magkasama sila. Magical lang parang fairytale di ba?.

Pero hindi eh, gaya ni Cinderella, may time limit ang bisa nung wish na yun. May katapusan ang ligayang naranasan mo. Pagkatapos ng gabing yun, back to reality na. Pero ang pinagkaiba nyo sa fairytale, hindi naging sayo yung Prince Charming mo. May ibang fairytale princess na itinakda ng Disney para sa pinapangarap mong prince Charming and guess what? HINDI IKAW YUN. Mananatili kang Cinderella kasama yung mga daga buddies at mga ibon. At si Prince charming? ayun masayang masaya sa kanyang prinsesa. Ganun naman ata talaga eh, sa totoo lang, hindi sa lahat ng panahon, fairytale yung buhay mo. Hindi porke may magical night kayo, you will live happily ever after. Pero siguro kahit papaano wish na lang ni Cinderella, sana natuwa naman yung Prince Charming nung gabing iyon. Sana hindi nya rin makalimutan na may isang Cinderella na dumaan sa buhay nya.


Si Cinderella, makakahanap din ng prinsipe nararapat sa kanya. Yung mamahalin sya at hindi sya sasaktan. Makakalimutan din nya si Prince Charming pero hindi yung magical na gabing yun.
_____________________________
Next time na yung grad post :)



Saturday, March 21, 2009 @ 7:36 AM
Mcdo Carpark

Wala ng mcdo carpark :( :( :(



Nalulungkot ako sobra nung nalaman ko to.. as in

Siguro kung taga quesci ka, alam mo kung bakit ganito na lang ako kalungkot



yung four years ng highschool life ko, malaking part yung mcdo dun eh.

yung fibd(hs barkada ko) dun nagstart at dun ang regular hang out place

yung mga saturday meeting place namin pag may class presentation

pag perio, pag suspended yung classes, pag foundation day etc

6 days a week for four years na puro mcdonalds.. at puro burger + fries ang laman ng tiyan ko

mga chismis, mga study session kuno, boy hunting, crush sightings etc.

mga tambay na inaabot ng closing ng mcdo

mga tambay habang hinihintay mag 5pm para papasukin sa SM

yung pulubi mode

yung panghihingi ng piso mode

yung today is friendly day

yung friends fries at ketchup

yung collection ko ng party hats

yung thumbs up song na kabisado namin sa sobrang araw araw kami dun, kabisado ko pa rin sya(Its your bday at mcdonalds soooo thumbs up for sats! make a silly sound, add one more tap the floor, and shake it all around. OHA!) may actions pa!

yung si conrad at yung garret na kinuha nya at nahuli sya.

yung crush ni marrey na crew ng mcdo na feeling HAHAHA

yung manager ng mcdo na friendly friends natin at nangangamusta everyday

yung number sa ketchup

yung kahit college na kayo at may hs reunion at kita kita, mcdo carpark pa rin yung meeting place kahit may trinoma naman jan.

yung first love ko :(







Grabe lang :( Madaming nabuong friendship at memories sa lugar na yun. Hindi lang sya hang out place na after a while pagsasawaan mo rin. Yun yung place na babalik balikan mo with your friends to rekindle yung mga memories. Nakakalungkot lang na magsasara na sya. Wala ka ng place na babalikan pa. Parang pag pupunta ako ng SM, isa yun sa mga sinisilip ko, yung mcdo na punong puno ng estudyanteng naka blue checkered na parang table cloth na uniform. Tapos mapapasmile ka tapos maalala mo yung hs days mo. Ngayon wala na, Parang nakakasenti kasi eh. :(



Thursday, March 19, 2009 @ 2:30 AM

"Memories are a way of keeping the past alive, some are so painful we never want to visit them again. But a memory can also be a gift, that we can open again and again in order to fill ourselves with happiness. And sometimes a moment becomes a memory the instant it's happening, because it is so true, so pure, and so significant, you want to capture it forever"

Kyle, Kyle XY